Nung una akala ko ay hindi totoo dahil madalas ako mabiktima ng mga scam products online, oo nakakatrauma kaya kailangan magtyaga magbasa, pero tinuloy ko pa rin ang order, at base sa mga sabi sabi na andito, satisfied din sila kaya umorder ako, at payag naman ang admin nila sa COD term, umabot ng tatlong linggo rin ang paghihintay ko, binibisita ko at binabasa ang reviews, at napansin ko na dumadating talaga yung order pero natatagalan sa shipment, isang natutunan ko dito, una sa lahat nagtiwala ka na rin lang sa produkto, at isa pa nagacknowledge naman sila sa email, ibig sabihin legit to, plus dumating na rin yung order ko, oo sabihin na nating matagal pero ito yung exciting part mga kapatid, yung QUALITY!!!
Ang ganda ng packaging, protected yung product, ang kapal ng canvas na ginamit, di basta bastang mga tahi pati sa zipper, compact sya tignan, pero marami ka mailalagay as in, pati sa mismong strap panalo!!! Maganda rin yung idea na hindi baliktaran yung print sa strap, dahil kapag medyo formal ay pwede mo pa rin to gamitin kahit magpolo ka pa, (sinubukan ko talaga) ang daming pocket para mas organize yung mailalagay mo, pwede mo na nga ihiwalay yung coints sa lahat ng bulsa nito, pati toiletries ko nailagay ko na, maliban sa tuwalya syempre kasi kapag nakaorder na ako nung pasan, dun ko na yun ilalagay 😎
mahaba na ba? worth it bigyan ng review itong mga gawa ninyo dahil isa ako sa satisfied client ninyo mula packaging hanggang sa produkto, manglilikha rin po ako na tulad ninyo, at sa tingin ko malaking bagay yung pagpreserve ng kultura at sining natin hanggang sa panahon pang darating, at sana makatulong tong review na ito, para mabawasan ang pagdududa ng kapwa natin sa mga adhikain pa ninyo 🙏
Maraming Salamat Legazy Street Merch.
Para sa isang tapat na serbisyo, tapat na kumento rin ang ibabalik ko sa inyo, bilang pagtanaw ng pasasalamat sa inyong layunin makapagbigay ng nguti sa bawat namimili sa inyo at nagtitiwala,
Nakakatuwa na sa panahon natin kahit napakarami ng produkto at teknolohiya makabago, may mga ilan pa rin ka-sining na lumilikha ng ganitong mga kagamitan, na patuloy pinapakita at minamahal ang mga sariling atin tulad nitong mga baybayin na naka sama sa bawat obra, bilang simbolo ng pagmamahal sa ating wika 😎